You are currently viewing ‘Kuya’ ng Bagong Mercedes

‘Kuya’ ng Bagong Mercedes

Sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte, kilala si Ferdinand Ibasco, Jr., o mas kilala bilang “Kuya Inand,” hindi lamang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa kanyang komunidad. Sa edad na 28 si Kuya Inand ay aktibong tumutulong sa mga kababayan niya, at ipinagpapatuloy ang mga aral at adbokasiya na namana niya mula pa sa kanyang angkan.

 

Si Kuya Inand ay pangatlo sa apat na magkakapatid ng mag-asawang sina Ferdinand Tejada Ibasco at Maria Joy Osea Ibasco. Sa murang edad na 15, maaga siyang namulat sa mundo ng pagnenegosyo, isang kasanayan at ugaling nakuha niya mula sa kanyang pamilyang negosyante. Kabilang sa mga naging malaking impluwensya sa kanyang buhay ay ang kanyang lolo, si Filomeno Espinosa Ibasco, isang kilalang negosyante sa bayan ng Mercedes. Bukod sa negosyo, aktibo rin si Filomeno sa mga outreach program, na siyang nagtanim ng malalim na malasakit kay Kuya Inand sa pagtulong sa mga nangangailangan.

 

Hindi lamang sa negosyo kilala ang kanilang pamilya. Ang lolo ni Kuya Inand, si Claro Ibasco, ay nagsilbing mayor sa Bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa loob ng mahigit kumulang na dalawang dekada, samantalang ang kanyang tiyuhin na si Colet Ibasco ay dating Vice Mayor ng bayan ng Mercedes. Ang kanilang pamilya ay kilala hindi lamang sa politika kundi sa pagtulong sa kanilang mga kababayan.

 

Noong ika-28 kaarawan ni Kuya Inand, nagpasya siyang ipagdiwang ito sa mas makahulugang paraan. Nag-organisa siya ng isang linggong outreach program sa Mercedes, na ang layunin ay hindi lamang magbigay ng tulong sa mga mahihirap, kundi pati na rin pagkaisahin ang komunidad tungo sa mas maunlad at progresibong bayan. Ang mga aktibidad na isinagawa ay sumasalamin sa mga aral na natutunan niya mula sa kanyang lolo—ang kahalagahan ng pagbibigay ng oras at suporta sa kapwa.

 

Sa kabila ng kanyang kabataan, ipinakita ni Kuya Inand na ang pagiging isang mabuting lider ay hindi nasusukat sa edad kundi sa malasakit at hangaring makatulong. Ang kanyang mga proyekto at adbokasiya ay patuloy na nagiging inspirasyon sa mga kabataan ng Mercedes, at ang kanyang pangarap para sa makabagong bayan ay isang paalala na ang pagbabago ay nagsisimula sa maliit na mga hakbang ng pagtulong sa kapwa.

 

Patuloy si Kuya Inand sa kanyang misyon, at sa bawat taon, mas lalo niyang pinapalalim ang kanyang koneksyon sa mga tao at sa kanyang komunidad. Ang kanyang kuwento ay isang halimbawa ng isang kabataang handang maglaan ng oras, kakayahan, at puso para sa kapakanan ng iba—isang huwaran ng makabagong bayani para sa bayan ng Mercedes.